Unang Markahan : Ako Bilang Nagdadalaga / Nagbibinata
Aralin 1: Mga Inaasahang Kakayahan at Kilos sa
Panahon ng Pagdadalaga / Pagbibinata
Ang paglinang ng mga angkop inaasahang kakayahan at kilos
(Developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ay nakatutulong sa:
• pagkakaroon ng tiwala sa sarili,
• paghahanda sa susunod Na yugto (stage) ng buhay (paghahanda SA paghahanapbuhay at paghahanda sa pag-aasawa
/ pagpapamilya), at
• pagiging mabuting tao.
Mahahalagang tanong sa Unang Markahan: Bakit ang mahalaga pagkilala sa sarili?
Mahahalagang tanong sa Aralin 1: Mga Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga / Pagbibinata
-Bakit ang mahalaga paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos (Developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata?
Ang yugto ng pagdadalaga/ pagbibinata ay yugto ng kalituhan, hindi lamang para sa iyo kundi maging sa mga taong nasa sapat na gulang sa iyong paligid. Marahil maging sila hindi malaman kung paano ka na ituturing. Bata ka pa ba o matanda ka na?
Alam kong nararamdaman mo na ang napakaraming pagbabago sa iyong sarili sa yugtong ito ng iyong buhay, sa iyong pangangatawan, sa iyong damdamin, at sa iyong pakikitungo sa iyong kapwa. At alam kong malinaw na sa iyo na kinakailangan mong harapin ang napakaraming pagbabagong ito. Mahalagang malagpasan moang anu manghamon naibinibigay nito.Sabinganila,“Naku, dapat maturekana”.Ang daming ina asahan sa iyo.Sa iyong pakiramdam lahat ng kanilang mga mata ay nag-aabang sa mga bagay na iyong gagawin, sa mga salitang iyong sasabihin at sa mga pagpapasyang iyong isasagawa. Kaya nga masnararapat na handa ka, maging mas maingat ka at maging mas malawak sa iyong pag-iisip sa maraming bagay sa iyong paligid. Sabi nga nila, ganyan talaga ang buhay.
Gaano man kalaki ang hamon sa iyo, kailangan mong harapin ang mga ito. Kailangan handa ka at taglay mo ang mga kaalaman na makatutulong sa iyo upang maging matatag ka sa iyong pagharap sa hamon ng pagdadalaga/pagbibinata.
Mahalagang maunawaan mo na ang bawat tao ay may inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng buhay na dapat tugunan o gampanan. Kailangan ito upang malinang ang kanyang mga kakayahan at matamo ang kaayusan sa pamayanan. Mahalagang kilalanin ang mga inaasahang kakayahan at kilos na ito lalo nasa yugto ng maagang pagdadalaga / pagbibinata (early adolescence).
Maytatlong mahahalagang layunin ang inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao.
-Una, nagsisilbing gabay ang mga ito kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay. Mahalagang maunawaan ang mga ito upang matamo ang mga kasanayang angkop dito. Mahalagang isagawa ito sa ilalim ng patnubay ng magulang at mga guro.
-Pangalawa, nagsisilbing pangganyako motibasyon ang mga ito sa binatilyo/dalagita upang gawin niya ang mga inaasahan sa kanya ng lipunan.
-Pangatlo, malilinang ang kakayahang iakma ang kanyang sarili sa mga bagong sitwasyon; kaya’t maiiwasan ang stress o nakahihiyang reaksyon dahil makapaghahanda siyang harapin ang mga ito. Halimbawa, ang mga batang nagmamasid sa paraan ng pakikitungo ng binatilyo/dalagita sa katapat na kasarian ay madaling maiakma ang kanilang mga sarili pagdating nila sa yugtong ito.
Sapanahon ngpagdadalaga pagbibinata,may walong inaasahang kakayahan at kilos na dapat mali na ngayon kay Havighurst (Hurlock,1982,p.11). Ang mga ito ay:
1. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad
2. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
3. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang pamamahala sa mga ito
4. Pagtamo at pagtanggap ng katanggap-tanggap na asal sa pakikipagkapwa
5. Pagkakaroon ng kakayahang mapag-isa sa mga magulang o may sapat na gulang (adults)
6. Paghahanda para sa paghahanapbuhay
7. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
8. Pagkakaroon ng mga halaga (values) at gabay sa mabuting asal
1. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad. Bago dumating ang yugto ng pagdadalaga / pagbibinata, ang isang bata ay madalas na mas nakikipag-ugnayansa kapwa batang kapareho ng kanyang kasarian.Halimbawa, kung babae ka,mas gusto mong kalaro ang kapwa mo babae. Para sa isang bata, mahalaga ang pagkakaroon ng kalaro dahil ito ang magtuturo sa kanya ng makipag-ugnayan. Ngunit habang lumalaki at nagkakaisip, nababago ang kanyang pagtingin sa kanyang kapwa. Nagiging masmalalim ang kanyang pagtingin sa pakikipag-ugnayan. Naghahanap na siya ng mga taong makakasama niya nang masmadalassa araw-araw, makakasundo sa maraming bagay at ibang gawain. Ang tawag niya rito ay mga kaibigan. Sila ang mga taong tumutulong sa kanya upang matanggap at mapabilang siya sa isang pangkat na labas sa kanyang pamilya. Ngunit mahalagang maunawaan niya na may tungkulin siya sa paghubog ng isang malusog at ganap na pakikipag-ugnayan. Sa puntong ito, makatutulong sa iyo ang mga sumusunod na hakbang:
a. Alamin mo kung ano talaga ang iyong nais. Kailangang malinaw sa iyo kung ano ang ninanaismo sa isang pakikipag-ugnayan. Halimbawa, gusto mo na magkaroon ng isang kaibigan na maaari mong ituring na parang sarili mong kapatid dahil ikaw ay nag-iisang anak. Makatutulong ito sa iyo upang makalikha ng mga hakbang kung paano mo gagawing ganap ang iyong pakikipag-ugnayan.
b. Ipakita ang tunay na ikaw. Mula sa iyong pagkabata natuto ka na gumanap sa iba’t ibang gampanin sa iba’t ibang sitwasyon. Kasama dito ang pakikipag-ugnayan. Sa unang yugto ng iyong pagdadalaga/pagbibinata, ginagawa mo ang lahat upang matanggap ka ng ibang tao na iyong kasing edad. Lagi kang nakahandang makiayon sa kanila. Ngunit maaarimg makalimutan mo na ang totoong ikaw. Huwag kang mahiyang ipakita sa kanila ang tunay mong pagkatao. Ang pagtanggap salahat ng ito ng iyong mgakaibigan ay nangangahulugang pagtanggap sa tunay na ikaw nang walang halong pagkukunwari.
c. Panatilihing bukas ang komunikasyon. Ang pagbabahagi ng iyong nararamdaman, ninanais, mga plano, mga takot, kasiyahan at iba pa ay mahalaga tungo sa isang ganap na pakikipag-ugnayan. Mas makabuluhan ang pakikipag-ugnayan kung walang anumang itinatago sa bawat isa. (Halimbawa, kahit pa alam mo na makasasakit sa iyong kaibigan na ipaalam sa kanya ang iyong negatibong obserbasyon sa kanyang ugali, tama lamang na sabihin mo ito sa kanya upang magkaroon siya ng pagkakataong baguhin ito.
d. Pagtanggap sa isang tao at sa kanyang tunay na pagkatao. Ang pakikipag-ugnayan ay walang kundisyon. Mahalagang tanggapin ang isang tao bilang tunay na siya. Hindi makatutulong kung ganap mong babaguhin ang tao ayon sa iyong nais. Halimbawa, hindi mo maaaring pilitin ang iyong kaibigannamaging kapareho ngiyongpag-iisip,kilos at paniniwala sa lahat ng pagkakataon. Hindi mo rin magugustuhan na nagpipilit ang isang tao na maging isang taong hindi naman totoong siya. Hindi tatagal ang isang pagkakaibigang puno ng pagpapanggap. At lalo’t higit hindi magiging kuntento ang iyong kaibigan na malaman na hindi mo kayang tanggapin ang totoo niyang pagkatao.)
e. Panatilihin ang tiwala sa isa’t isa. Kung walang tiwala sa isa’t isa, mahina ang pundasyon ng ugnayan. Kung mananatili ang pagtitwala sa isa’t isa, kayang lagpasan ang anumang mga pagsubok sa pakikipag-ugnayan. Kayalang, iwasan maging masyadong pamilyarsa isa’t isa. May kasabihan sa Inglesna“Familiarity breeds contempt.”
f. Maglaro at maglibang. Walang pinakamasarap kundiangmagingbata.Kungminsan sa labisna pagiging seryoso natin sabuhay, nakakalimutan na natin ang halaga ng paminsan-minsang paglalaro at paglilibang na magkasama. Sa paraang ito, nawawala natin ang maraming pag-aalala, takot, pagdududa at insekyuridad (insecurities).
g. Mahalin mo ang iyong sarili. Kung hindi mo matututuhang mahalin ang iyong sarili, hindi mo matutuhan ang magpahalaga sa ibang tao. Mahihirapan ka na tanggapin ang kahinaan ng ibang tao kung hindi mo kayang tanggapin ang sarili mong mga kahinaan. Kung hindi ka masaya sa maraming bagay tungkol sa iyong sarili, walang anumang gagawin ang ibang tao na makapagpapasaya sa iyo. Kung kaya mahalagang simulan mo ito sa tunay na pagtanggap sa kung ano ang tunay mong pagkatao at sa pagpapasalamatsa lahatng biyayang Diyos sa iyo.
2. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki. Angmga nagdadalaga/nagbibinata aybumubuongkanilangsariling kahuluganngpagiginglalaki o babae. Ngunit hindi pa rin naiaalis na ibatay ito sa nakagisnang kultura. Halimbawa, ang lalaki ay malakas, matapang at ang babae naman ay mahina, pala asa. Ang kanilang pagkakaibang bayolohikal ang nagtutulakupang magkaroon ng ganitong pananaw. Ngunit hindi nararapat na lagyan ng hangganan ang
kakayahan ng bawat isa batay lamang sa kanyang katangiang bayolohikal.Sa tulong at paggabay ng mga nakatatanda, kailangang mabigyanng pagkakataon ang bawat isa na hubugin ang kanilang mga papel sa lipunan bilang lalaki at babae. Halimbawa, kailangan na turuan ang mga lalaki na ipakita ang kanilang tunay na damdamin. Umiyak sila kung kinakailangan sa panahon ng labis na kalungkutan. Kailangang salungatin ang paniniwalang ang umiiyak na lalaki ay labisna mahina.
3. Patanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito. Sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata, mabilis ang mga pagbabago sa katawan kung ikukumpara sa ibang yugto ng buhay, maliban sa unang dalawang taon ng sanggol. Sa isang binatilyo/dalagita, ang pagkakaiba niya saiba sa bilis ng paglaki ng mga bahaging ito ay maaaring maging dahilan ng kawalan ng kapanatagan (insecurity).
Maaaring magkaroon ng epekto ang mg pagbabago sa katawan sa emosyon at pakikitungo sa kapwa. Likasat panlahat ang mga ito, kaya di dapat mag-alala ang dalagita/ binatilyo. Mahalagang sumangguni sa mga may sapat na gulang (adult) -magulang o taong pinagkakatiwalaan. Kailangan ang masustansyang pagkain sa yugtong ito, sapat na ehersisyo at malusog na pamumuhay (tulad ng pagtulog sa loob ng walong oras at pag-inom ng walo hanggang sampung baso ng tubig araw-araw, at pana-panahong pamamahinga (periodic rest). Kailangandin ang paraan ng pagrerelaks at malalim na paghinga upang maalis ang mga tensyon sa katawan.
Makatutulong din ang mga gawaing gagamitng galaw ng katawan tulad ngpaglilingkod sapamayanan at mga karanasansa pagkatutona hands-on.
4. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/ lipunan. (Desiring and achieving socially responsible behaviour). Habang lumalaki ka at nagkakaisip,nakikitamoang unti-untingpaglawakngiyongmundo.Mula sa iyong tahanan, lumalawak ito habang nadaragdagan ang iyongedad. Ang pagiging mapanagutan sa pakikipagkapwa ay lagpas sa simpleng paggalang sa kapwa, ito ay pag-unawa at pagbibigay halaga na hindi na bubuhay ang tao para lamang sa kanyang sarili. Kailangan natin ang ibang tao upang tunay na makita ang ganda at halaga ng buhay. Para sa isang nagdadalaga/nagbibinata, mahalaga ito upang tunay na makilala ang kanyang pagkatao, upang matukoy kung saan siya nababagay (fit) sa lipunan at upang mabuo ang kanyang tiwala na makibahagi sa anumang gawain o trabaho
5. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya. Ang isang bata ay labis na palaasa sa kanyang mga magulang. Hindi siya makapagpapasya kung hindi nasa ilalim ng kanilang paggabay. Makararamdam lamang siya ng seguridad kung alam niyang nariyan sila upang suportahan at tulungan siya. Sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata, kinakailangang matutong linangin ang kakayahan sa maingat na pagpapasya. Mahalagang sumangguni sa mga nakatatanda o awtoridad na higit na may alam sa mabuting pamumuhay (tulad ng magulang o kapatid) sa mga pasyang gagawin; ngunit sanayin na ang sarili na piliin ang opsyon na patungo sa kabutihan – yaong makabubuti sa sarili, sa kapwa at pamayanan. Mahuhubog ang iyong kakayahan sa pagpapasya sa tulong ng mga susunod na aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga.
6. Paghahanda para sa paghahanapbuhay. Sa ating lipunan, iminumulat ang mata ng mga nagdadalaga/nagbibinata na sa yugtong ito kailangan nilang matutunan ang mga kakayahan na kinakailangan upang ihanda ang kanilang sarili na makakuha ng magandang hanap-buhay sa hinaharap. Makatutulong sa iyo ng:
a. Tukuyin ang iyong kalakasan at kahinaan
b. Makipagkaibiganatlumahoksaiba’tibanggawainsapaaralan(extracurricularactivities)
c. Magkaroon ng plano sa kursong gustong kunin sa hinaharap
d. Sumanggunisamgakakilalangmayroonghanapbuhayupangmagtanongukolsakanilanghanap-buhay
e. Hubugin ang tiwala sa sarili at ang kakayahan sa pagpapasya
f. Hinginangpaggabayngmgamagulangsapagpilingtamangkursoparasaiyo
Ang iba pang mga kakayahan na makatutulong sa iyo ay mas malawak na tatalakayin sa mga susunod na aralin.
7. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya. Kasama sa mga kakayahan at kilos na dapat malinang sa isang nagdadalaga / nagbibinata ay ang mapaghandaan ang pag-aasawa at pagpapamilya. Ngunit mahalagang maunawaan na ganap lamang na matatamo ang kakayahang ito sa huling yugto ng pagdadalaga/pagbibinata at sa maagang yugto ng pagtanda (adulthood).
8. Pagkakaroon ng mga halaga (values) at gabay sa mabuting asal. Sa yugto ng pagdadaaga/pagbibinata, kailangan na mahubog ang iyong sistema ng halaga at paniniwala. Bibigyang-tuon sa mga susunod na aralin ang pagtalakay sa paksang ito.
Ang pagtataglay ng mga kakayahan o kilos na ito ay mahalaga upang mapaunlad ang sariling pagkatao. Kritikal ang panahon ng pagdadalaga / pagbibinata. Ito ay maaaring bumuo o sumira ng iyong kinabukasan. Kailangang maging matalino sa mga gagawing pagpapasya at kailangang maging bukas sa pagtanggap ng tulong o payo mula mga taong nagpapakita ng malasakit at nabubuhay sa magandang halimbawa. Ang pinakamahalaga, kailangang buong-buo ang iyong tiwala sa iyong sarili at sa iyong mga kakayahan. Mahalaga ito upang mapagtagumpayan mo ang anumang hamon na iyong kahaharapin sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata. Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng positibong pagtingin sa iyong mga kakayahan. Hindi ka nalilimitahan ng mga negatibong pag-iisip na madalas ay hindi naman makatotohanan. Sa pamamagitan ng positibong pag-iisip, mapatataas mo ang iyong tiwala sa sarili at magkakaroon ka ng positibong pananaw at damdamin tungkol sa iyong sarili. Makatutulong sa iyo ang mga sumusunod:
a. Hayaang mangibabaw ang iyong mga kalakasan. Mag-isip ng positibo sa lahat ng iyong mga ginagawa at purihin ang sarili dahil sa iyong pagsisikap. Hindi ito nangangahulugan na hindi mo na bibigyan ng tuon ang iyong kahinaan, ngunit hindi nararapat na malimitahan ng iyong mga kahinaan ang iyong kalakasan
b. Huwag matakot na harapin ang mga bagong hamon. Ang mgabagong hamonaypagkakataonupangmapataasmo angtiwalamosa iyong sarili.Hindimo nararapat isipin ang takot ng pagkatalo o ang tagumpay ng pagwawagi. Isipin mo na lamang na sa tuwing may gagawin kang bago; (1) nabibigyan ka ng pagkakataon na magsikap upang matamo ang tagumpay, (2) napatataas mo ang tiwala mo sa iyong sarili, at (3) mas nakikilala at natatanggap mo ang iyong sarili.
c. Palaging maging positibo sa iyong mga pag-iisip. Palaging pigilin ang sarili sa pag-iisip ng negatibo; sa halip, palitan ito ng pag-iisip na may mabuting maibubunga. Palaging ipaalala sa sarili na hindi mo man kayang gawin ang lahat ng bagay nang perpekto, makatutulong naman ang mga ito upang unitunting umunlad ang iyong pananaw sa bawat araw.
d. Isipin mo ang iyong mga kakayahan para sa iyong sarili: huwag masyadong umasa sa opinyon ng ibang tao. Huwag mong iasa sa opinyon ng ibang tao ang pagtataya saiyongmga kabiguanattagumpay.Masmakatutulong kung mapaunladmo ang iyong kakayahan sa pagsusuri at pagtataya ng iyong sarili. Isa itong malaking hakbang sa pagpapataas ng tiwala mo sa iyong sarili.
Mahirap ang pinagdadaanan mo, pero tandaan mo na hindi ka nag-iisa. Lahat ng nagdadalaga / nagbibinata ay may katulad na pinagdaraanan. Maiiba lamang ito depende sa kung paano mo isinabuhay ang mga kakayahan at kilos na kinakailangan para mas mapaunlad mo ang iyong sarili at ang iyong pagkatao.
Ngayon, nakahanda ka na ba sa iyong paglalakbay?