Aralin 2: Mga Talento, Kakayahan at Kahinaan
|
|
Multiple Intelligences Survey Form (Copyright 1999 Dr. Walter McKenzie)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang bilang 1 hanggang 90 sa bandang kaliwa ng iyong kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Gabay ang legend sa ibaba, isulat sa sagutang papel ang bilang na naglalarawan sa iyong sarili. Maging tapat sa iyong sagot sa bawat bilang. Huwag kang mahihiya kung Hindi (0) o Bihira (1) ang sagot mo sa ilang bilang.
Unang Bahagi. Sagutan ang sumusunod na aytem ayon sa kaangkupan sa iyo. Isulat ang bilang ng kaukulang pagpipilian.
Legend:
4 – Palagi 3 – Madalas 2 - Paminsan-minsan 1 - Bihira 0 – Hindi
1. Pinananatili kong malinis at maayos ang aking mga gamit.
2. Nasisiyahan akong magbasa ng iba’t ibang babasahin.
3.Nakabubuo ako ng ideya sa pamamagitan ng isip.
4. Madali akong makasunod sa mga patterns.
5. Nasisiyahan akong gumawa ng mga bagay sa pamamagitan ng aking mga kamay.
6. Natututo ako nang lubos kapag nakikipag-ugnayan ako sa iba.
7. May kamalayan ako sa aking mga paniniwala o pagpapahalagang moral.
8. Nasisiyahan akong pagsama-samahin ang mga bagay batay sa kanilang pagkakatulad.
9. Malaki ang naitutulong sa akin kung ang mga panuto ay isa-isang ipaliliwanag.
10. Malaki ang naitutulong sa aking memorya at pang-unawa kung inililista ang mahahalagang bagay.
11. Nasisiyahan akong mag-ayos ng silid.
12. Nabibigyang-pansin ko ang tunog at ingay
13. Mahirap para sa akin ang umupo nang matagal sa loob ng mahabang oras.
14. Mas masaya ako kapag maraming kasama.
15. Higit na natututo ako kapag malapit sa aking damdamin ang isang asignatura.
16. Mahalaga sa akin ang mga isyung ekolohikal o pangkapaligiran.
17. Madali para sa akin ang lumutas ng mga suliranin.
18. Nakikipag-ugnayan ako sa aking mga kaibigan sa pamamagitan ng sulat, e-mail, texting (cellphone), telepono at mga social network sites.
19. Nasisiyahan akong gumamit ng iba’t ibang uri ng pamamaraang pansining.
20. Madali para sa akin ang sumunod sa wastong galaw.
21. Gusto ko ang mga larong panlabas (outdoor games).
22. Higit na marami akong natututuhan sa pangkatang pag-aaral.
23. Ang pagiging patas (fair) ay mahalaga para sa akin.
24. Ang klasipikasyon o pag-uuri ay nakatutulong upang maunawaan ko ang mga bagong datos.
25. Madali akong mainis sa mga taong burara.
26. Ang mga word puzzles ay nakalilibang.
27. Nag-eenjoy ako sa lahat ng uri ng mga “entertainment media”.
28. Nasisiyahan ako sa paglikha ng musika.
29. Hilig ko ang pagsasayaw.
30. Mas natututo ako kung may kahalagahan sa akin ang isang asignatura.
31. Madalas akong maging pinuno ng pangkat sa aming mga magkakaibigan o magkakaklase.
32. Nasisiyahan ako sa paggawa sa hardin.
33. Madali sa akin ng paglutas ng mga suliranin.
34. Ang pagsulat ay nakatutulong sa akin upang matandaan at maintindihan ang itinuturo ng guro.
35. Ang mga tsart, graphs, at mga talahanayan ay nakatutulong sa akin upang maunawaan at maipaliwanag ang mga datos.
36. Nasisiyahan ako sa mga tula.
37. Para sa akin, ang pagpapakita at pagpaparanas ay mas mainam kaysa sa pagpapaliwanag lamang.
38. Mahalaga sa akin ang pagiging parehas.
39. Mas mahalaga sa akin ang pakikipag-uganayan kaysa sa pag-iisip.
40. Naniniwala akong mahalaga ang pangangalaga sa ating mga parke at pambansang pasyalan.
41. Masaya ang lumutas ng mga “logic puzzles”.
42. Hindi ako nagpapabaya sa pakikipag-uganayan sa aking mga kaibigan sa sulat, e-mail, o text.
43. Ang music video ay mas nakapagpapaigting ng aking interes sa isang kanta.
44. Natatandaan ko ang mga bagay kapag nilalagyan ko ito ng ritmo.
45. Ang paggawa ng mga bagay na likhang sining ay nakalilibang at nakapagpapalipas ng oras.
46. Nakasisiya ang mga talk show sa radyo at telebisyon.
47. Ang paggawa nang nag-iisa ay produktibo rin na tulad ng pangkatang gawain. 48. Mahalaga sa buhay ko ang mga hayop.
49. Hindi ako makapagsisimulang gumawa ng takdang-aralin hangga’t hindi nasasagot ang aking mga tanong.
50. Nasisiyahan akong gumawa ng liham.
51. Nagdudulot sa akin nang labis na kasiyahan ang mga three dimensional puzzle.
52. Mahirap mag-isip habang nanonood ng telebisyon o nakikinig ng radyo.
53. Ang pagpapahayag sa pamamagitan ng sayaw ay magandang ipakita sa publiko.
54. Ako ay team player.
55. Mahalagang malaman ko kung bakit kailangan kong gawin ang isang bagay bago ko ito gawin.
56. May pamaraan ng pagreresiklo sa aming bahay.
57. Nakatutulong sa akin ang pagpaplano upang magtagumpay sa isang gawain. 58. Nasisiyahan akong maglaro ng mga salita tulad ng puns, anagrams at spoonerisms.
59. Ang mga music video ay gumigising ng kaisipan.
60. Nasisiyahan akong pakinggan ang iba’t ibang uri ng musika.
61. Nais kong magtrabaho na gamit ang iba’t ibang kasangkapan.
62. Hindi ko nais magtrabaho nang nag-iisa.
63. Kapag naniniwala ako sa isang bagay, ibinibigay ko nang buong- buo ang aking isip at lakas.
64. Nasisiyahan akong mag-aral ng Biology, Botany at Zoology.
65. Kasiya-siya para sa akin ang magtrabaho gamit ang computer.
66. Interesado akong matutuhan ang mga hiram na salita.
67. Naaalala ko ang mga bagay kung ilalarawan ko ito sa aking isip.
68. Ang mga musical ay higit na nakagaganyak kaysa mga drama.
69. Aktibo ang aking pamamaraan ng pamumuhay.
70. Masaya ang paglahok sa mga gawiang extra-curricular.
71. Nais kong makilahok sa mga gawaing tumutulong sa kapwa.
72. Mahabang oras ang ginugugol ko sa labas ng bahay.
73. Kailangang may kabuluhan ang isang bagay o gawain upang magkaroon ako ng kasiyahan dito.
74. Nais kong makilahok sa mga debate at pagsasalita sa harap ng publiko.
75. Mahusay akong bumasa ng mga mapa at plano.
76. Madali para sa akin na makaalaala ng letra o liriko ng awitin.
77. Higit akong natututo kung ako mismo ang gagawa.
78. Binibigyang-pansin ko ang mga isyung panlipunan.
79. Handa akong magreklamo o lumagda ng petisyon upang iwasto ang isang kamalian.
80. Nasisiyahan akong magtrabaho sa lugar na maraming halaman.
81. Mahalaga na alam ko ang bahaging ginagampanan ko sa kabuuan ng isang bagay.
82. Nasisiyahan akong talakayin ang mga makabuluhang tanong tungkol sa buhay.
83. Mahalaga sa akin ang relihiyon.
84. Nasisiyahan akong magmasid ng mga likhang-sining.
85. Mahalaga sa akin ang pagninilay at pagpapahinga.
86. Nais ko ang maglakbay sa mga lugar na nakapagbibigay ng inspirasyon.
87. Nasisiyahan akong magbasa ng isinulat ng mga kilalang pilosopo.
88. Mas madali para sa akin ang matuto kung nakikita ko kung paano ito inilalapat sa buhay.
89. Nakamamanghang isipin na sa daigdig ay may iba pang nilikhang may angking talino.
90. Mahalaga sa akin na madama na ako ay kaugnay ng mga tao, ideya, at mga paniniwala.
I think....therefore....MI!
Multiple Intelligences in Education
"A new age demands a new paradigm!" -Walter L.McKenzie Jr.
Pagkatapos, kunin ang kabuuang bilang ng iyong sagot sa bawat hanay at isulat sa espasyo bilang.
Gumawa ng bar graph pagkatapos mapagsunud-sunod ang mga kabuuang bilang na nakuha sa bawat intelligence..........
PAGTUKLAS AT PAGPAPAUNLAD SA MGA ANGKING TALENTO AT KAKAYAHAN AT PAGLAMPAS SA MGA KAHINAAN
“Talentado ka ba?” Lahat yata ngayon ng estasyon sa telebisyon ay may programang ang tema ay pagtuklas ng talento. Mapapansin ito sa mga programang may pag-awit, pag-sasayaw, pag-arte, o mga kakaiba, kakatwa at kamanghamanghang kasanayan o kakayahan. Pero ano nga ba ang talento? Sa Webster Dictionary, ang talento ay ginagamit na kasingkahulugan ng regalo at kakayahan. Ito ay isang likas na kakayahan na kailangang tuklasin at paunlarin. Tulad ng isang regalo, dapat itong ibahagi sa iba.
Magkasingkahulugan ba ba ang talento at kakayahan? Ayon kina Thorndike at Barnhart, mga sikolohista, sa kanilang “Beginning Dictionary”, ang talent ay isang pambihira at likas na kakayahan. Sa kabilang banda, ang kakayahan ay kalakasan (“power” o mas akma, “intellectual power”) upang makagawa ng isang pambihirang bagay tulad ng kakayahan sa musika o kakayahan sa sining. Madalas sinasabi ng mga sikolohista na ang talento ay may kinalaman sa genetics o mga pambihirang katangiang minana sa magulang. Ang kakayahan naman ay likas o tinataglay ng tao dahil na rin sa kanyang intellect o kakayahang mag-isip. Sa gayon ang kahusayan sa isang larangan ay ayon sa kanyang kakayahan (intellectual ability). Si Bryan Green, isang atleta, ay isa sa mga naniniwala sa teyoryang ito. Gayon pa man ayon sa kanya ang pagtutuon ng atensyon ng marami sa talento sa halip na sa kakayahan ay isang nakasisirang distraksyon tungo sa pagtatagumpay. Ayon sa kanya mas mahalagang bigyan ng tuon ang kakayahang magsanay araw -araw at magkaroon ng komitment sa pagpapahusay sa taglay na talento. Ang mga bagay na ito ay higit na kaugnay ng kakayahang intelektuwal kaysa talento. Ang kakayahang intellectual ay nasusukat sa pamamagitan ng mga “standardized tests”. Ayon sa kanya mahirap sukatin ang talento, madalas nasasabi lamang nating may talento ang isang tao batay sa nasaksihan natin o naitalang tagumpay nito. Mahalaga sa isang atleta ang pagpapaunlad ng kakayahan kung kayat mahalaga na malaman nya ang kanyang pagmumulan (baseline) sa kanyang gagawing pagsasanay, upang maabot ang kanyang nais na marating (target).
Sa kanyang aklat na 7 Habits of Highly Effective Teens, napakaganda ng ibinahagi ni Sean Covey tungkol sa pagtuklas ng talento. Ayon sa kanya, bawat tao ay may talento at kakayahan. Kadalasan nga lamang ang nabibigyan natin ng pansin ay yaong mga makaagaw atensyon tulad ng mala anghel na pag-awit o ang makapigil hiningang pag-ikot sa ere ng isang siklista. Maraming mga kakayahan na bagamat di napapansin ay mahalaga tulad ng kakayahang patawanin ang iba, kakayahang makinig, gumuhit, magsulat ng tula, maging mapagbigay, mapagpatawad o maging kaibigibig sa iba. Walangtakdangpanahonangpag-usbongangtalento.Angbawattaoaymaykanya-kanyangpanahon ngpagsibol, lalonaang mgatinedyer.Ang iba ay ang tinatawag sa Ingles na “latebloomer”. Kaya hindi dapat ikasira ng loob ang sating innatinay napakaordinaryo nating mga kakayahan. Tandaan mo espesyal ka dahil ikaw ay likha ng Diyos.
Kailangan nating tuklasin ang ating mga kakayahan at talento. Matapos lumilok ni Michaelangelo ng isang napakagandang obra ay tinanong siya kung paano niya ito ginawa. Tumugon siya na ang obra ay nasa bato mula pa sa simula, kinailangan lamang niyang ukitin ang mga labis na bahagi nito. Tulad din ng isang obra, ang ating mga kakayahan at talento ay taglay na natin buhat ng tayo’y isilang. Tayo ang gagawa ng paraan upang ito ay matuklasan.Lahat ng sitwasyon at okasyon ay oportunidad sa pagtuklas. Maaring ito ang iyong proyekto sa Science, awdisyon sa koponan ng basketball, termpaper sa Filipino, paligsahan sa pagtula,pagsasanay sa scouting. Kung sa bawat gawain o pagkakataon na ibibigay sa atin ay magbubuhos tayong ating atensyon, panahon, lakas at talino, matutuklasan natin ang ating mga kakayahan at ang hangganan nito.
Isang napakahalagang teorya ang binuo ni Dr. Howard Gardner noong 1983, ang teorya ng Multiple Intelligences. Ayon sa teoryang ito, ang mas angkop na tanong ay – “Ano ang iyong talino?” at hindi, “Gaano ka katalino?” Ayon kay Gardner, bagama’t lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o talento. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
Visual/Spatial.Ang taong may talinong ito ay mabilis natututo sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya. Nakagagawa siya ng mahusaynapaglalarawanngmgaideyaatkaailangandinniyangmakitaangpaglalarawannitoupang maunawaanito.Siya’y may kakayahanna makita sa kanyang isip ang mga bagay upang makalikha ng isang produkto o makalutas ng suliranin. May kaugnayan din ang talinong ito sa kakayahan sa matematika. Ang mga larangan na angkop sa talinong ito ay sining, arkitektura, at inhinyeria.
Verbal/Linguistic. Ito ang talino sa binibigkas o isinusulat na salita. Kadalasan ang mga taong may taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbasa, pagsulat, pagkukwento, at pagmememorya ng mga salita at mga petsa. Mas madali siyang matuto kung nagbabasa, nagsusulat, nakikinig sa pagtuturo o nakikipagdebate. Mahusay siya sa pagpapaliwanag, pagtuturo, pagtatalumpati o pagganyak sa pamamagitan ng pananalita. Madali para sa kanya ang matuto ng ibang w ika. Ang mga larangan na nababagay sa talinong ito ay pagsulat, abugasya, journalism, polítika, pagtula at pagtuturo.
Mathematical/Logical. Ang taong may talinong ito ay mabilis natututo sa pamamagitan ng pangangatwiran at paglutas ng suliranin o “problem solving”. Ito ay talinong kaugnay ng lohika, paghahalaw at bilang. Gaya ng inaasahan, ang talinong ito ay may kinalaman sa kahusayan sa matematika, chess, computer programming, at iba pang kaugnay na gawain. Gayunpaman mas malapit ang kaugnayan nito sa kakayahan sa siyentipikong pag-iisip at pagsisiyasat, pagkilala ng abstract patterns, at kakayahang magsagawa ng mga komplikadong pagtutuos. Ang mga larangan na kaugnay nito ay ang pagiging scientist, mathematician, inhinyero, duktor at ekonomista.
Bodily/Kinesthetic. Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga konkretong karanasan o interaksyon sa kapaligiran. Mas natuto siya sa pamamagitan ng pagamit ng kanyang katawan, tulad halimbawa sa pagsasayaw o paglalaro. Sa kabuuan mahusay siya sa pagbubuoatpaggawangmgabagaygayangpagkakarpintero. Mataasangtinatawagna muscle memory ng taong may ganitong talino. Ang mga larangang karaniwang kanyang tinatahak ay ang pagsasayaw, sports, pagiging musikero, pag-aartista, pagiging duktor – lalo na sa pag-oopera, konstruksyon, pagpupulis, at pagsusundalo.
Musical/Rhythmic. Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng isang karanasan. Natural na nagtatagumpay sa larangan ng musika ang taong may ganitong talino.
Intrapersonal. Ang taong may talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw. Ito ay talino na kaugnay ng kakayahan na magnilay at masalamin ang kalooban. Karaniwang ang taong may ganitong talino ay malihim at mapag-isa o introvert. Mabilis niyang nauunawaan at natutugunan ang kanyang nararamdaman at motibasyon. Malalim ang pagkilala niya sa kanyang angking mga kakayahan at kahinaan. Ang mga larangang kaugnay nito ay pilosopiya, sikolohiya, teolohiya, marine biology, abogasya, at pagsulat.
Interpersonal. Ito ang talino sa interaksyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa isang
pangkat. Ang taong may mataas na interpersonal intelligence ay kadalasang bukas sa kanyang pakikipagkapwa o extrovert. Siya ay sensitibo at mabilis na nakatutugon sa pagbabago ng damdamin, motibasyon, at disposisyon ng kapwa. Mahusay siya sa pakikipag-ugnayan at may kakayahang mailagay ang sarili sa sitw asyon ng iba o may empathy sakapwa.Siyaayepektibobilangpinunootagasunod man. Kadalasansiya’y nagiging tagumpay sa larangan ng kalakalan, politika, pamamahala, pagtuturo o edukasyon at social work.
Naturalist. Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Madali niyang makilala ang mumunti mang kaibahan sa kahulugan (definition). Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi ng lahat ng larangan.
Existential. Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa sansinukob. “Bakit ako naririto?” “Ano ang papel na ginagampanan ko sa mundo?” “Saan ang lugar ko sa aking pamilya, sa paaralan, sa lipunan?” Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pagunawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating ginagalawan.
Kailangang paunlarin ang ating mga talento at kakayahan. Likas ang talento at kakayahan ngunit kailangan itong sanayin. Si Profesor
Ericsson at kanyang grupo ay nagsagawa ng mahabang pag-aaral ng mga sikat at matagumpay na personalidad sa iba’t ibang larangan; sa sining, siyensya, matematika, palakasan o sports, negosyo at iba pa. Sinuri ng kanyang pangkat ang buntong resma ng statistika, iba’t ibang datos at talambuhay. Sinuri din nila ang buntong resma ng resulta ng ilang taong pageeksperimento sa mga eksperto at matagumpay na tao. Dalawang mahalagang bagay ang natuklasan nila. Una, kadalasan di sapat ang likas na kakayahan upang maging bihasa at matagumpay sa anumang larangan.
Ang kanilang pagtatagumpay at kahusayan ay bunga ng masusi at matamang pagsasanay.WikangasaIngles“Practicemakesperfect”. Ikalawa,bukod sa kakayahan o talento, mahalaga rin na tayo ay may interes o hilig sa ating larangang pinasok. Dapat na tayo ay masaya sa ating ginagawa upang magkaroon tayo ng inspirasyon at motibasyon na lampas an o higitan pa ang ating natural na kakayahan. Ito ay upang maging angat tayo sa iba tunog sa paglilingkodsakapwaat pakikipbahagisapamayanan.
Kailangang malampasan ang ating mga kahinaan. Narinig mo na ba ang Law of Seeds? Tingnan natin ang isang puno ng bayabas. Sa isang puno ay maaaring mayroong dalawampu o mahigit pang bunga. Bawat bunga ay maaaring mayroong sampu o higit pang buto. Maaaring itanong mo “Bakit kailangan ng napakaraming bunga at buto para lamang magkaroon ng ilan pang puno?” Ang kalikasan ay may mahalagang itinuturo tungkol dito. Marami sa mga butong ito sa isang puno ng bayabas ay hindi nagiging puno. Kung gayon, kung nais mong makamit ang isang bagay, hindi sapat ang minsanang pagsubok lamang. Ibig sabihin, kung hindi nagtagumpay sa isang larangan ay dapat na sumubok muli ng iba.
Nakalulungkot isipin na marami sa atin ang sa unang pagsubok pa lamang ay sumusukona. Dahil ito sa kawalan ng tiwala sa sarili. Ano nga ba ang tiwala sa sarili o self-confidence?Ang tiwala sa sarili ay ang paniniwala sa sariling kakayahan. Ito ay tiwala sa sariling kakayahan na matatapos ang isang gawain na may kahusayan. Dahil sa kawalan ng kumpiyansa sa sarili ay maraming pagkakataon o oportunidad ang pinalalampas ng marami. Dahil din dito natutuon ang ating pansin sa ating mga kahinaan at hindi sa ating mga kakayahan at talento. Ilan sa mga bagay na dapat nating malaman tungkol sa tiwala sa sarili ay ang mga sumusunod:
Ang tiwala sa sarili ay hindi na mamana, ito ay natututuhan. Hindi ito pangkalahatan, bagkus ay may iba’t ibang antas tayo ng tiwala sa ating saril sa iba’t ibang sitwasyon at gawain. Halimbawa, maaaring mataas ang ating tiwala sa sarili sa pagtutuos (mathematical computation) ngunit mahina ang loob sa pagsasalita sa publiko. Nagbabago ito sa paglipas ng panahon. Maaari itong tumaas o bumababa depende sa ating mga karanasan sa buhay. Hindi ito nakasalalay sa mga bagay sa labas ng ating sarili gaya halimbawa ng pagiging mayaman o pagkakaroon ng mga taong nagmamahal sa atin.
Magkakaroon tayo ng tiwala sa ating sarili kung hindi tayo umaasa sa opinyon o paghuhusga sa atin ng ibang tao. Nawawala ito kung wala tayong matibay na kaalaman tungkol sa ating angking mga kakayahan at talino. Kung hindi natin kilala ang ating sarili, aasa na lamang tayo sa sinasabi ng iba at sila ang magdidikta sa atin ng ating mga limitasyon at kakayahan. Kung nasisiyahan sila sa ating ikinikilos, papupurihan nila tayo; kung hindi naman ay maaring bansagan tayong mahina o walang alam. Kung hindi natin kilala ang ating sarili, wala tayong magagawa kundi tanggapin nalamang ang kanilang mga bansag o label sa atin.
Bilang tao, nasa kalikasan natin ang paghahangad na umunlad at malampasan ang ating mga kahinaan. Ayon kay Covey (7 Habits of Highly Effective Teens, 1998) ang pag-unlad ng mga kakayahan ay nagsisimula rin sa ating sarili. Ayon sa kanya ang tunay na trahedya ay ang trahedya ng isang taong hindi kumilos upang paunlarin ang kanyang sarili. Mapalad ang maraming kabataan ngayon at marami ang mga babasahin na nagbibigay gabay kung paano ito gagawin. Isa dito ang aklat ni Covey. Isang mabisang paraan upang masimulan ang daan sa pagpapaunlad ng sarili ay ang paggawa ng plano o mga hakbang sa pagkakamit nito. Sabi nga niCovey “begin with the end in mind.” Isang halimbawa ay ang paggawang Plano sa Pagpapaunlad ng Sarili o Personal Development Plan. Ang Plano sa Pagpapaunlad ng Sarili ay tulad ng isang mapa na gabay sa paglalakbay tungo sa pag-unlad ng sarili. Ito ay pagtatakda rin ng tunguhin (goal) tungo sa pagpapaunlad ng sarili. Dapat na taglay nito ang mga bahagi ng ating sarili na dapat nating paunlarin o kahinaang kailangang malampasan, kasanayang kailangang matutuhan at mga kakayahang kailangang sanayin. Simple lamang ang paggawa ng Plano sa Pagpapaunlad ng Sarili. Una, dapat nating tukuyin kung nasaan na tayo ngayon: Ano ang ating mga kalakasan at kahinaan. Ikalawa, tukuyin kung saan natin nais o kailangang tumungo. Anong aspeto ang kailangang paunlarin, alin ang dapat unahin. At sa huli, kailangang lapatan ito ng mga pamamaraan kung paano isasagawa ang pagbabago. Maaring ang pinakamahirap na bahagi nito ay ang pagtukoy at pagtanggap sa ating mga kahinaan.Kung magagawa natin ito, masmagiging madalinaang iba pang bahagi.