Aralin 3: Pagpapaunlad ng mga Hilig
|
Ano ang hilig?
Ang mga hilig ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain. Ang mga ito ang naggaganyak sa iyo na kumilos at gumawa. Nagsisikap ka kung may motibasyon ka dahil gusto mo ang iyong ginagawa, hilig mo ito, at nagagabayan ka ng mga halaga (values) na Dito nakapaloob ang mga kaalamang mula sa pananaliksik (research) o expert systems of knowledge. MGA HILIG May kakaiba ka bang saya o sigla kapag nagsusulat ka ng iyong mga pananaw, opinyon o pagninilay? Ipinagmamalaki mo ba ang iyong mga naisulat? Sa iyong libreng oras, pipiliin mo bang magbasa at maghanap sa internet o mga aklat ng mga magagandang ideya na gagamitin mo sa isang sanaysay o tula? Kung oo ang sagot mo sa mga tanong na ito, ibig sabihin, hilig mo ang pagsusulat. makatutulong sa iyong pag-unlad. (Santamaria, 2006) Sa kabilang dako, kung ang trabaho o gawain mo ay di ayon sa iyong mga hilig, ikaw ay nababagot. Iiwasan mo ang gawaing di mo gustong gawin o ipinagpapaliban mo ang mga ito. Halimbawa, kahit gusto mong gumamit ng isang kagamitang pinatatakbong koryente (tuladng coffee maker o juicer), ngunit ayaw mong subukang gamitin ito, patunay ito na hindi mo hilig ang pagbubutingting (tinker) ng mga bagay. Ang ibang hilig ay natututuhan sa mga karanasan, ang iba ay minamana, at ang iba naman ay galing sa ating mga halaga at kakayahan. Halimbawa, hilig mo ang pagsusulat dahil mahilig kang magbasa mula pa sa iyong pagkabata, isa kang staff member sa inyong pampaaralang pahayagan at may tiwala ka sa iyong sarili sa mga gawaing pagsusulat sa paaralan. Kung gusto mong masiyahan, nagsisilbing gabay ang mga hilig sa pagpili ng mga gaw ain. Ang taong nasisiyahang gaw in ang isang gawain ay nagsisikap na matapos ito at mayroong pagmamalaki sa gawaing maayos na ginawa. Ito ang nagbibigay sa kanya ng paggalang sa sarili. Isa pa, nakatutulong ang mga hilig, kasama ng aptitude at potensyal at pangkalahatang talino (general intelligence), tungo sa iyong mabilis na pagkatuto at pagkakaroon ng mga kasanayan (skills). Ang mga hilig ay batayan din ng iyong mga kasanayan, kakayahan at kadalubhasaan (proficiencies). Mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig dahil palatandaan ang mga ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang tao. May dalaw ang aspeto ng hilig: ang larangan ng hilig (areas of interest) at ang tuon ng atensyon (Abiva, 1993). May sampung larangan naman ito: outdoor, mechanical, computational, scientific, persuasive, artistic, literary, musical, social service, at clerical. Ang tuon ng atensyon ay ang preperensya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain – sa tao, data, bagay o ideya Mahalagang tandaan na ang bawat gawain ay palatandaan o indikasyon ng maraming hilig at may higit na isang tuon. Halimbawa, ang pagcomposengawitayindikasyonnghiligsamusika(musical)atpagsusulat(literary). Itoaymaytatlongtuon–tao(pag-awitopagpapakinigng nilikhang awit sa kaibigan), data (paglapat sa mga linya ng awit ng mga pagkatuto sa karanasan) at ideya (paggamit ng estratehiya kung paano maipalalaganapang mensahengawit). OUTDOOR Nasisiyahan sa mga gawaing sports pang-outdoor • Pagsakay ng bisikleta • Pag-aalaga ng hayop o halaman • Pagsali sa mga laro o outdoor MECHANICAL Nasisiyahan sa paggamit ng mga tools. Paggawangmgabagay (hal.: silya) gamit ang martilyo at lagare • Pag-aayos ng mga sirang bagay • Masaya at gustong tumulong sa pag repair ng sasakyan • Pagmonitor ng perang natipid at naipon sa bangko COMPUTATIONAL Nasisiyahan na gumawa gamit • Pag-solve ng mathematical ang bilang o numero equations • Pag-aaral ng mga bituin, bato, Nasisiyahan sa pagtuklas ng klima, halaman at hayop SCIENTIFIC Bagong kaalaman, pagdisenyo • Pag-imbento ng mga bagay at ag-mbento ng mga bagay at produkto • Pamamahala ng isang opisia o pangkat • Pag-oorganisa ng isang party o komite PERSUASIVE Nasisiyahan sa pakikipagugnayan sa ibang tao o klase • Pamumuno sa isang pangkat o pakikipagkaibigan ARTISTIC Nasisiyahan sa pagdidisenyo • Paggawangmgabagay (hal.; painting, awit) • Pagdrowingng mgalarawanopagdoodle • Paggawangmgabagay na pangsining • Paggawa ng handicraft ng mga bagay LITERARY Nasisiyahan sa pagbabasa • Pagbabasa ng mga nobela o fiction • Pagsusulat ng mga kuwento, tula pagsusulat • Pagbubuo ng crossword puzzle MUSICAL Nasisiyahan sa pakikinig o musical instrument • Pakikinig sa o paglikha ng awit • Pagtutugtog ng piano o iba pang paglikha ng aw it o pagtugtug ng musical instrument • Pag-awit • Pagsasayaw SOCIAL SERVICES Nasisiyahang tumulong sa kamag-aral sa • Pagbisita sa kaibigang may sakit ibang tao • Nakikinig sa mga problema ng ibang tao o kaibigan • Paglilista ng perang tinanggap at ginastos CLERICAL Nasisiyahan sa pagbabasa at paggaw a ng takdang-aralin • Paglilista ng mga bagay na paper works gagawin • Paggawa nang maayos ng report na isusumite sa klase MGA TUON NG MGA HILIG Mga Gawain tuon sa tao (May kinalaman sa TAO) tuon sa bagay (Gamit ang tools at machines) Tuon sa IDEYA (Pag-iisip at pag-oorganisa ng mga ideya) Tuon sa DATA (May kinalaman sa facts, records, files, numero, detalye) Hal.: Paglalaro ng badminton (Outdoor Interest) Pagtuturo sa kaibigan ng paglalaro ng badminton Paggamit ng rocket at shuttle cock Pag-iisip ng technigue o paraan para pumasok ang shuttle cock Pagsusuri kung paano makashoot sa ring (Artistic Interest) Pagpipinta ng larawan Pagtuturo sa kamagaral kung paano magpinta Paggawa ng frame para sa larawan Pagsubok ng bagong kulay para mapaganda ang larawan Pagcheck kung tama ang mga paraan sa pagpipinta Sanggunian: Abiva, T. (1993). Learning Resource for Career Development. Abiva Publishing House, Inc. Kung may mga panahon na kahit pagod ka na, patuloy ka pang gumagawa ng isang bagay kaya’t di mo napapansin ang paglipas ng oras, indikasyon ito ng iyong hilig. Mahalaga ang pagtuklas mo sa mga ito, pati ang mga tuon ng atensyon sa bawat isa dahil palatandaan ang mga ito ng mga uri ng gawain, kurso, o trabaho na magbibigay sa iyo ng kasiyahan o kaganapan. Kung malinaw sa iyo ang iyong mga hilig, maiiwasan ang pagkabagot o kabiguan sa pagiging abala o pagpili ng kurso o trabahong maaaring magbibigay ng malaking suweldo ngunit di naman kawili-wiling pagkaabalahan. Kung alam mo ang iyong mga hilig, makikilala mo ang mga konkretong paraan kung paano mo pauunlarin ang mga ito. |
Modyul 3: Pagpapaunlad ng Hilig
Panuto. Isulat ang mga katanungan at ang tamang kasagutan buong pangungusap..
1. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng katangian ng hilig maliban sa:
a. Si Jamir ay laging kasama ng kanyang ama sa pinagtatrabahuhan nitong kompanya bilang isang inhenyero. Namulat siya sa gawain ng kanyang ama at napansin niyang nagkakainteres na rin siya matematika, pagguhit at pagdidisenyo.
b. Nakita ni Emerlyn ang hilig ng kaniyang mga kaibigan sa larong badminton. Nais niyang makasama nang madalas ang kanyang mga kaibigan kung kaya nag-aral siyang maglaro nito sa kabila ng hirap.
Ginagawa nila nang madalas ang gawain na ito nang sama-sama.
c. Si Sharifa ay laki sa pamilya ng mananahi. Sa murang edad, tumutulong na siya sa kanilang patahian at lumaon ay nakahiligan na niya itong gawin. Natutuwa sa kanya ang kanyang ina dahil mahusay na siyang magdisenyo ng mga damit na nagagamit nila sa kanilang negosyo.
d. Masaya si Jesheryn kapag nakagagawa siya ng kabutihan sa kanyang kapwa. Nang makatapos ng pag-aaral ay naging misyon na niya ang kumalap ng tulong sa mga nakaaangat sa buhay para sa mga
nangangailangan. Nakahiligan na niya ang sumama sa mga outreach programs at refief operations.
2. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan?
a. Nakapagpapasaya sa tao
b. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
c. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay
d. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap
3. Ang mga sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig maliban sa:
a. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin
b. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
c. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawin.
d. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.
4. Ang mga sumusunod ay ang kinahihiligang gawin ng apat na magkakapatid.
Ano-ano ang larangan ng kanilang kinahihilig?
Si Joshua ay isang mountain climber. Sa gawaing ito ramdam niyang
kaisa niya ang kalikasan.
Si Jessie, nauubos ang malaking oras sa karera ng motor. Ang motor
na ito ay siya ang nagdisenyo at nagsaayos.
Si Jennylyn palaging nasa komunidad at nagbibigay ng libreng
serbisyo bilang doktor.
Si Jenica, palaging nakakulong sa kanyang silid at nagpipinta ng iba’t
ibang larawan.
a. persuasive, outdoor, clerical, mechanical
b. naturalist, visual, existential, intrapersonal
c. outdoor, artistic, mechanical, social service
d. bodily/kinesthetic, naturalist, interpersonal, visual
5. Si Hadji ay isang sikat na mang-aawit at kompositor. Ano ang larangan at tuon ng hilig ni Hadji.
a. Larangan: musical
Tuon: tao
b. Larangan: musical, artistic
Tuon: tao, ideya
c. Larangan: musical, literary
Tuon: tao, ideya
d. Larangan: musical, literary
Tuon: tao, datos, ideya
6. Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pangakademiko/ bokasyunal?
a. Magtutulak ang pagkakaroon ng kinahihiligan upang makamit ang labis na tagumpay sa hinaharap.
b. Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng
kasiyahan sa hinaharap.
c. Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipakikita ang galing sa pagaaral upang maitaas ang antas ng pagkatuto.
d. Makatutulong ang hilig upang mapili ng angkop na kursong pangakademiko o teknikal-bokasyonal
7. Bakit mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig?
a. Magbibigay kahulugan ito sa bawat pang-araw-araw na gawain.
b. Makatutulong ito upang matukoy ang bagay na nais mong gawin sa iyong libreng oras.
c. Palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang tao.
d. Makapagpapaunlad ito ng talento at kakayahan.
8. Nakita ni Liza na uso ang cross stitching. Marami sa kanyang mga kaklase ay gumagawa nito kung kaya nagpabili rin siya sa kanyang ina ng mga gamit na kakailanganin. Sinimulan nya ngunit hindi niya natapos. Makalipas ang ilang buwan nakita naman niya nauuso naman ang paggawa ng scrapbook kung
kaya nagpabili rin siya sa kanyang magulang ng mga kakailanganing gamit.
Makalipas ang ilang lingo ay nahinto na ang kanyang paggawa nito. Ano ang matwirang gawin ni Liza?
a. Kausapin ang kanyang magulang upang tulungan siyang piliin ang
wastong kahihiligan.
b. Ituon lamang ang kanyang atensyon sa kanyang sarili at huwag bigyangpansin ang nauuso.
c. Suriin kanyang sarili upang mataya kung anong bagay ang kanyang ginagawa na nakapagpapasaya sa kanya.
d. Humingi ng payo sa kanyang mga kaibigan upang tulungan siyang mataya kung ano talaga ang kanyang nararapat na pagtuunan ng pansin.
Ang hilig o libangan, kilala rin bilang pampalipas-oras, pasa-tiyempo, himagal,
o dibersyon ay isang gawaing nakalilibang na ginagawa ng mga tao upang maaliw o para
sa rekreasyon. Ginagawa ito ng mga tao sapagkat gusto nila ito. Isa itong paboritong paraan
ng paggamit ng libreng panahon o oras. Bukod sa nakatatawag-pansin ng isang tao ang
isang hilig, marami pa itong ibang kainaman. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng
pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Nakapagpapasaya ito ng sarili kahit
na ginagawa ito na nag-iisa lamang. Nakapagtuturo o nakapagbibigay rin ng edukasyon ang
hilig. Maaari ring maipagbili ang produkto ng isang hilig. May mga hilig na magagawa sa
loob ng bahay, mayroon naman magagawa sa labas ng bahay, at mayroon ding
nangangailangan ng natatanging kasanayan. (Hinango sa: http://tl.wikipedia.org/wiki/Hilig)
9. Ano ang pangkabuuang mensahe ng talata?
a. Nakatutulong ang hilig sa aspetong pisikal, pangkaisipan, pinansyal, at pandamdamin.
b. Kailangan ang hilig upang maging matagumpay at masaya sa hinaharap.
c. Makapipili ng tamang kurso at trabaho kung mapauunlad ang mga hilig
d. Ang matagumpay na tao sa negosyo ay nagsimula sa pagkilala ng kanilang hilig
10. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Ang pangungusap na ito tungkol sa hilig ay:
a. Tama, ito ang pinakamataas na makakamit sa pagtuklas ng hilig.
b. Tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginagawa magagawa mo ito ng buong sigla at husay
c. Mali, dahil makakamit lamang ito kung ginagawa ang hilig upang tulungan ang kapwa
d. Mali, dahil mahalagang nakaayon ang hilig sa talento ay kakayahan ng tao upang makamit ang mga ito.
MGA TAMANG KASAGUTAN:
1. b
2. b
3. d
4. c
5. d
6. b
7. c
8. c
9. b
10. b

Modyul 4: Ang Aking mga Tungkulin Bilang Kabataan
Panuto. Isulat ang mga katanungan at ang tamang kasagutan buong pangungusap..
1. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa kanyang sarili maliban sa:
a. Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig
b. Paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang relasyon sa hinaharap
c. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito
d. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng Pagdadalaga/Pagbibinata
2. ”Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay, para sa sarili lamang”. Ano ang pinakaangkop na pakahulugan sa katagang ito?
a. Ang lahat ng tao ay mayroong pananagutan sa kanyang sarili at sa
kanyang kapwa.
b. Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang kapwa.
c. Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao kung ipauubaya ng tao ang kanyang sarili para sa kanyang kapwa.
d. Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang kanyang sarili sa kanyang kakayahan na makipagkapwa.
3. Bakit mahalagang tuparin ang tungkulin sa pamayanan?
a. Mayroong gampanin ang lahat sa kapwa na bahagi ng lipunan.
b. Makatutulong ito upang maramdaman na ikaw ay kabahagi ng lipunan.
c. Magiging ganap lamang ang lipunan kung makikibahagi lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon.
d. Mahuhubog ang kakayahan ng tao sa pamumuno kung maglilingkod siya sa pamayanan.
4. Si Jamir ay madalas na nakikipagtalo sa kanyang kapatid. Para silang aso’t pusa sa dalas ng kanilang pag-aaway. Madalas na sumasama ang loob ng kanilang ina dahil sa kanilang hindi magandang pagpapalitan ng mga salita. Ano ang makatwirang magagawa ni Jamir?
a. Umiwas sa kanyang kapatid upang hindi na sila magtalo.
b. Hanapin ang dahilan ng kanilang hindi pagkakasundo at kausapin ang kapatid upang iwasan na itong gawin.
c. Pag-aralang pakitunguhan ang kanyang kapatid katulad ng pakikitungo niya sa ibang kakilala at mga kaibigan.
d. Maging handa na ipakita ang pagmamahal sa kapatid sa panahong kapwa na sila handa na kalimutan ang mga nakaraang pagtatalo.
5. Ano ang magiging kahihinatnan ng pagiging matapat sa pagtupad sa tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata?
a. Matitiyak ang kaganapan ng pagkatao.
b. Tataglayin ang kakayahan na harapin ang susunod na yugto ng buhay.
c. Matitiyak ang tagumpay sa pagharap sa hamon ng pagiging isangdalaga/binata.
d. Magkakaroon ng mga kakayahang kailangan upang maging isang magandang halimbawa sa kapwa kabataan.
6. Wika ng isang manunulat sa pilosopiya, ”Ang isang taong tumatalikod sa pananagutan ay maaaring maihalintulad sa isang taong naglalakad ng walang ulo.” Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na ito?
a. Ang hindi tumutupad nang matapat sa kanyang mga tungkulin ay walang maaaring maipagmalaki kaninoman.
b. Ang kahihiyan na dulot ng di pagtupad sa mga tungkulin ay nakababawas sa dignidad ng tao.
c. Tinatanggal ng kawalan ng pananagutan ang paggalang ng lahat ng tao sa pagkatao ng tao.
d. Maaaring mahusgahan ng kapwa ang taong hindi marunong tumupad sa kanyang mga tungkulin.
7. Ano ng pinakamakabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral?
a. Pataasin ang marka
b. Pagyamanin ang kakayahang mag-isip
c. Matutunang lutasin ang sariling mga suliranin
d. Pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto
8. Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa kalikasan?
a. Makikinabang nang lubos ang mga henerasyon na darating
b. Mapangangalagaan ang kalikasan para patuloy na matugunan ang pangangailangan ng lahat ng tao
c. Maiiwasan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan at ang paulit-ulit na mga kalamidad
d. Lahat ng nabanggit
9. Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang anak sa kanyang mga
magulang?
a. Sila ay igalang, mahalin at pagkatiwalaan
b. Ibigay sa kanila ang nararapat na katumbas ng lahat ng tulong na kanilang naibigay.
c. Ang ilaan ang kanyang hinaharap para sa walang pagdaramot na pagtulong sa pamilya
d. Ang magsilbing isang magandang halimbawa sa kanyang mga kapatid
10. Mula ng nagdalaga si Jasmin ay palagi na silang nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang ina. Madalas na sumasama ang kanyang loob sa tuwing siya ay napagsasabihan at napagbabawalan sa mga bagay na alam niyang hindi na nararapat na pakialaman ng kanyang ina. Ano ang pinakamatuwirang magagawa ni Jasmin?
a. Kausapin ang kanyang ama upang sabihin sa kanyang ina ang kanyang saloobin.
b. Gumawa ng paraan upang mabuksan ang maayos na komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kanyang ina.
c. Ibahagi na lamang sa kanyang mga kaibigan ang kanyang sama ng loob at matapos ito ay kalimutan na ang sama ng loob.
d. Palaging isaisip na bilang anak kailangan niyang sumunod sa kanyang magulang sa lahat ng pagkakataon dahil sila ang nakatatanda
MGA KASAGUTAN
1. b
2. a
3. a
4. b
5. b
6. a
7. c
8. d
9. a