PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Naipaliwanag sa iyo ang kaugnayan ng konsensiya sa Likas na Batas Moral mula sa babasahin. Sa bahaging ito ng aralin, ilalapat mo ang mga natutunan mong konsepto tungkol sa Konsensiya sa pang-araw-araw mong buhay.
Pagganap
Panuto:
Basahin at unawain ang situwasyon sa ibaba. Suriin ito sa pamamagitan ng pagkilala sa sasabihin o paghuhusga ng konsensiya sa situwasyong ito. Isulat ang sagot sa ilalim na bahagi. Kilalanin din ang pinagbatayan ng konsensiya sa paghusga nito.
Isulat ang sagot sa ilalim na bahagi . Gabay mo ang naunang situwasyon bilang halimbawa.
Halimbawa:
Situwasyon:
Nawala mo ang perang binigay ng tatay mo na pambayad sa proyekto ninyo. Natagalan bago ka nabigyan dahil nahirapan siyang kitain ang perang iyon dahil inuna ang pangangailangan ninyo sa araw-araw. Mahigpit niyang bilin na ibayad mo ito agad.
Paghuhusga ng Konsensiya
Sabihin sa Tatay ang nangyari. Tumulong na makagawa ng paraan upang makabayad sa proyekto.
Batayan ng Paghuhusga
(Likas na Batas Moral)
Kailangang pahalagahan ang katotohanan, kaya’t masama ang magsinungaling.
Sitwasyon 1:
Alam na alam ni Amy ang ginagawa ng kaniyang mga kaklase na paggagayahan sa test. Hindi sila nahuhuli ng kanilang guro. Hindi nakapag-aral si Amy para sa pagsusulit sa Matematika sa araw na ito, kaya’t naisip niyang gawin din ang ginagawa ng kaniyang mga kaklase na manggaya.
Paghuhusga ng Konsensiya
Batayan ng Paghuhusga
(Likas na Batas Moral)
Sitwasyon 2:
Malaki ang tiwala ng mga magulang ni Penny sa kaniya. Kahit malayo ang bahay nila sa mataas na paaralan pinayagan siya na tumira malapit sa paaralan sa kanilang bayan. Tuwing Biyernes nang hapon siya umuuwi sa kanilang lugar at bumabalik sa inuupahang bahay tuwing Linggo nang hapon. Isang araw, niyaya si Penny ng kaniyang mga kaklase na mag-inuman sila. Hindi naman daw siya magagalitan dahil hindi naman malalaman ng kaniyang magulang.
Paghuhusga ng Konsensiya
Batayan ng Paghuhusga
(Likas na Batas Moral)
Pagsasabuhay
Dahil ang konsensiya ay nakabatay sa Likas na Batas Moral, mahalagang sinasanay mo ang iyong sarili na gawing gabay ang iyong konsensiya.
Panuto:
Sa mga ginawa mong pasiya sa nakaraan, alin sa mga ito ang nais mong baguhin at paunlarin upang sundin ang tamang paghuhusga ng konsensiya. Pumili ng pauunlarin mula sa mga sumusunod na kategorya:
Pagtupad sa gawaing-bahay
Pakikipag-ugnayan sa kapatid
Uri o paraan ng pakikipagkaibigan
Pakikipag-ugnayan sa magulang
Paggawa ng gawain sa paaralan