Modyul 8: ANG DIGNIDAD NG TAO
PANTAY NA PAGKILALA SA DIGNIDAD, SA KAPWA AY IBIGAY
“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.” Kung ano ang makasasama sa iyo, makasasama rin ito sa iyong kapwa. Kung ano ang makabubuti sa iyo, makabubuti rin ito sa kaniya. Bakit nga ba kaibigan? Sapagkat siya ay iyong kapwatao. Magkatulad ang inyong pagkatao bilang tao. Ito ang tunay na mensahe ng gintong aral (Golden Rule). Kinikilala nito ang karapatan ng bawat indibidwal sa paggalang ng kanyang kapwa. Hindi nga ba’t ito rin ang utos ng Diyos sa tao? Sinabi niyang “Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.” Nangangahulugan ito ng pagkilala sa dignidad na taglay ng lahat ng tao. Nilikha ng Diyos ang lahat ng tao ayon sa Kaniyang wangis. Ibig sabihin, ayon sa Kaniyang anyo, katangian at kakayahan. Samakatuwid, ang dignidad ng tao ay nagmula sa Diyos; kaya’t ito ay likas sa tao. Hindi ito nilikha ng lipunan at ito ay pangkalahatan, ibig sabihin, taglay ng lahat ng tao. Ngunit, marahil tinatanong mo ang iyong sarili, ”Bakit may pagkakaiba ang tao? Bakit may taong mayaman? Bakit may mahirap? Bakit magkakaiba ang kanilang edad, kasanayang pisikal, intelektuwal at moral na kakayahan, ang benepisyo na natatanggap mula sa komersiyo, at ang pagkakabahagi ng yaman? Maging ang talento ng tao ay hindi pantay-pantay na naibahagi. Sa kaniyang kapanganakan, hindi ibinigay sa tao ang lahat ng kaniyang pangangailangan para sa pag-unlad ng kaniyang materyal o pangkatawan at pang-espiritwal na buhay. Ipinahihiwatig nito na kailangan natin ang ating kapwa. Kasama ito sa plano ng Diyos, na tunay na nagnanais na matanggap ng bawat indibidwal ang kaniyang mga pangangailangan mula sa kaniyang kapwa. Inaasahan Niya na yaong nabiyayaan ng mga natatanging talento at kakayahan ay magbabahagi ng mga biyayang ito sa mga taong nangangailangan ng mga ito. Ang ganitong mga pagkakaiba ang humihikayat sa tao na isabuhay ang pagiging mapagbigay at mabuti. Ang nais ng Diyos ay yakapin ng tao ang pagbabahagi ng mga biyaya at regalo na natanggap ng bawat tao mula sa Kaniya.
Saan ngayon nagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ang tao? Ang pagkakapantay-pantay ng tao ay nakatuon sa kaniyang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito.
Ano ba ang dignidad? Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na dignitas, mula sa dignus, ibig sabihin “karapat-dapat”. Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa. Lahat ng tao, anoman ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan,ay may dignidad. May mga katangian ang tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya kung ihahalintulad sa ibang nilikha. Sapagkat mayroon siyang isip na nagbibigay sa kaniya ng kakayahang umunawa ng konsepto, mangatuwiran, magmuni-muni at pumili nang malaya. May likas na kakayahan siyang hubugin at paunlarin ang kaniyang sarili gamit ito. Hindi man agad nagagamit ng ilan ang kakayahang ito katulad ng mga bata, ang pagiging bukod-tanging tao ang mabigat na dahilan ng kaniyang dignidad. Kung kaya wala itong pinipili, hindi ito para lamang sa iilan.
Sabi nga ni Papa Juan Pablo II para sa mga magsasaka at manggagawang Pilipino, ”May karapatan kayong mamuhay at pakitunguhan kayo nang naaayon sa inyong dangal bilang tao; at kasabay nito, may karampatang tungkulin din kayo na makitungo sa kapwa sa ganito ring paraan...”
Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao. Nangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos, pantay-pantay ang lahat. Samakatuwid, kailangan mong tuparin ang iyong tungkulin na ituring ang iyong kapwa bilang natatanging anak ng Diyos na may dignidad.Mapangangalagaan ang tunay na
dignidad ng tao sa pamamagitan ng pagtingin sa bawat tao na kaugnay ng Diyos. Nakasalalay ang ating tunay na dangal sa katotohanang tinatawag tayo upang makapiling ang Diyos.
Ayon kay Propesor Patrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayan kung bakit obligasyon ng bawat tao ang sumusunod:
1. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.Halimbawa, sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi gagawin ng isang tao ang magbenta ng sariling laman o magnakaw na nagpapababa ng sariling pagkatao. Sa kabilang dako, kailangan mong tandaan na ang iyong kapwa ay hindi dapat gamitin para sa sariling kapakinabangan.
2. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.Karaniwang naririnig mula sa matatanda na bago mo sabihin o gawin ang isang bagay ay makasampu mo muna itong isipin. Ano ang magiging epekto sa iba ng iyong gagawin? Nararapat pa ba itong gawin o hindi na?
3. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.Ang prinsipyong ito ay nagpapatunay anomang gawin mo sa iyong kapwa ay ginagawa mo rin sa iyong sarili. Ang paggalangsa karapatan ng iyong kapwa, pagmamahal, pagpapahalaga sa buhay, kapayapaan, katotohanan ay ilan sa mga pagpapahalaga tungo sa mabuting pakikipag-ugnayan.Ang mga ito rin ang nararapat na ipakita mosa iyong kapwa. Paano mo maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
Una, pahalagahan mo ang tao bilang tao. Ibig sabihin, hindi siya isang bagay o behikulo upang isakatuparan ang isang bagay na ibig mangyari. Lalong hindi dahil siya ay nagtataglay ng mga katangiang mapakikinabangan. May ilang mga taong nagiging makasarili na ang tingin sa tunay na saysay o halaga ng kaniyang kapwa ay batay sa pakinabang na maaari nilang makuha mula rito. Maraming mga kompanya na binabale-wala na lamang ang maraming taong serbisyo ng kanilang
mga empleyado sa dahilang hindi na sila kasimproduktibo at epektibo noong sila ay bata pa at malakas. Hindi nawawala ang pagiging tao at ang kaniyang dangal dahil sa pagtanda. At lalo’t higit hindi sila katulad ng isang bagay na basta na lamang itatapon at isasantabi kung luma na at wala nang pakinabang.Wala man siyang tinapos na kurso, siya man ay bata o matanda o may espesyal na kondisyon, ay nararapat na igalang.
Ikalawa, ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay hangga’t siya ay nabubuhay. Dapat ay patuloy mong isinasaalang-alang at hinahangad ang lahat ng makabubuti para sa iyong kapwa. Halimbawa, ang pagmamahal ng anak sa magulang ay dapat walang pasubali o walang hinihintay na kapalit (unconditional). Hindi nararapat na mabawasan ang paggalang ng anak sa
kaniyang mga magulang kapag ang mga ito ay tumanda na at naging mahina. Mahalagang iyong isaisip at isapuso: Ang tao ang pinakabukod-tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos dahil sa taglay niyang isip at kilos loob. Nakatatanggap tayo ng labis-labis na biyaya, pagmamahal at pagpapahalaga mula sa Kaniya. Kung minsan bulag tayo sa katotohanang ito kung kaya nakararamdam tayo ng kakulangan.
Hinahanap natin sa ating sarili ang lahat ng ating nakikita sa ating kapwa. Sa ganitong paraan, inaakala natin na tayo ay napagkakaitan. Ang lahat ng materyal na bagay ay sa lupa lamang, hindi natin dapat na inuubos ang ating panahon at pagod sa mga bagay na ito. Ang di matinag na karangalang taglay ng taoay ang pinakamahalagang ari-arian ng isang tao. Nagmumula ang kahalagahang ito hindi sa anomang “mayroon” ang isang tao kung hindi ano siya bilang tao. Kung ang lahat ng tao ay mabibigyang-linaw ukol sa bagay na ito, hindi na magiging mahirap ang pagpapanatili ng mataas na antas ng dignidad ng bawat tao sa anomang uri ng lipunan. Kailangan mo ng tulong mula sa iyong sarili, sa iyong kapwa at sa Diyos upang maisagawa ito. Sa ganitong paraan, muli nating maaalala na tayo ay ANAK ng DIYOS.
Nakalilibang magbasa hindi ba? Higit sa lahat, lumalawak ang iyong kaalaman lalong-lalo na tungkol sa buhay. Napakamakabuluhan ng nilalaman ng natapos na babasahin. Napakagandang gabay ito para sa pang-araw-araw na pamumuhay. Pagtibayin natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong at pagsasagawa ng ilang mga gawain.
TAYAIN ANG IYONG PAG-UNAWA
1. Ano ang dahilan ng pagkakaiba-iba ng tao sa mundo?
2. Sa paanong paraan nagkakapantay-pantay ang tao?
3. Paano mo maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng tao?
4. Bakit mahalaga ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng tao?
Mga Sanggunian:
Compendium of the Social Doctrine of the Church. Word and Life Publishing. (2004).
Esteban, Esther J. Education in Values: What, Why and for Whom. Manila:Sinag-tala
Publishers, Inc.(1990).
Johann Gottlieb Fichte, translated by Adolph Earnst Kroeger.The Dignity of Man(n.d.)
Retrieved January 9, 2010 from http://en.wikisource.org/wiki/The_Dignity_of_Man
Lee, Patrick. Human Dignity (n.d.) Retrieved January 9, 2010 from
http://www2.franciscan.edu/plee/human_dignity.htm
Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon. 2010. Gabay sa
Pagtuturo sa Edukasyon sa Pagpapahalaga para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon
Sekundarya (SEC). Pasig City: Awtor
Hartwell F. What Is Low Self-Esteem? - Do You Have Any Of These 7 Indicators of Low
Self-Esteem? Retrieved from http://ezinearticles.com/?What-Is-Low-Self-Esteem?---Do-You-
Have-Any-Of-These-7-Indicators-of-Low-Self-Esteem?&id=5377225 on October 6, 2011