Modyul 4: Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan |
|
MGA TUNGKULIN BILANG NAGDADALAGA O NAGBIBINATA
Sa bawat araw na dumaraan, nahaharap ka sa iba’t ibang gawain na dapat mong tuparin. Napakaraming takdang kailangang gawin sa paaralan. Napakaraming gawain sa sariling tahanan. May mga obligasyon ka sa iyong sambahan atpamayanan. Naghahanap ng panahon at atensyon ang iyong mga kaibigan. Marahil sa mga pagkakataon na ikaw ay nakararamdam na ng pagod, tinatanong mo na ang iyong sarili kung paano mo ang iyong katawan. Ngunit sabi ng isang linya ng awitin, ”Ganyan talaga ang buhay...”.
Nasubukan mo na bang ihalintulad ang iyong sarili sa isang batang nagtitinda ng sampagita sa simbahan pagkatapos niyang pumasok sa paaralan? Nasubukan mo na bang kausapin ang isang tinedyer na nagbubuhat ng mabibigat na sako ng gulay sa Divisoria sa gabi? Nailagay mo na ba ang iyong sarili sa katayuan ng isang tinedyer na nasa lansangan; dala-dala ang sanggol na kapatid at kumakatok sa mga bintana ng sasakyan upang manghingi ng pera o pagkain? Mas mahirap hindi ba?
Pero hindi nagrereklamo ang karamihan sa kanila at tinatanggap ang mga ito bilang kanilang obligasyon sa kanilang pamilya. Maraming tao ang nagsasabi sa iyo na hindi ka na bata. Habang nadaragdagan ang iyong edad ay nadaragdagan din ang iyong mga tungkulin. Mulat ka na ba sa iba’t iba mong tungkulin? Hayaan mong tulungan ka ng babasahin na ito.
1. Ang Tungkulin sa Sarili. Ang tungkulin ay laging dapat nagsisimula sa sarili. Mahirap isalin sa ibang tao ang responsibilidad kung hindi ito nasimulang ilapat sa sarili. Bilang isang tinedyer, may mga bagay na dapat mong bigyang-pansin upang masabi mong tunay mong natupad ang iyong tungkulin sa iyong sarili.
a. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng Pagdadalaga/Pagbibinata.
Sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata, nahaharap ang isang tinedyer sa iba’t ibang mga pagbabago. Napagaralan sa nagdaang aralin ang mga ito. Huwang mong hayaang bumaba ang iyong tiwala sa sarili. Sa halip gamitin mo itong pagkakataon upangmas mapagyaman ang iyong sarili. Kailangang magsimula ka nang tama. Dito nakasalalay ang tagumpay ng pagharap sa mga susunod pang yugto ng iyong buhay. Ito rin ang makatutulong upang maging maligaya ka sa iyong pamumuhay.
b. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito.
Isa kang obra ng Diyos. Biniyayaan ka ng talento at kakayahan na maaari mong gamitin at paunlarin. Kung hindi ito gagamitin at pauunlarin, hindi lamang ikaw kundi maging ang lipunan ang nawalan ng pagkakataon na makinabang. Mawawala ang posibilidad na maibahagi ang kakayahan na maaari sanang magkaroon ng mahalagang gamit para sa lahat. Katulad na lamang ng isang aklat na hindi nabigyang katuparang maisulat. Maging mga imbensyong maaari sanang makapagpaginhawa sa buhay ng tao
ngunit hindi nabigyang-buhay. Makiisa ka sa iyong pamilya at sa paaralan sa pagpapaunlad ng iyong talento at kakayahan. Isa ito sa mahalagang bahagi sa pagbuo ng iyong sarili at sa iyong pag-unawa sa dahilan ng
iyong pagkalalang.
c. Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig.
May kasabihan sa Ingles na, ”Do what you love and you will love what you do”. Ngunit hindi sapat na
ginagawa mo ang gusto mo, kailangan mong masiguro na ginagawa mo ito nang makabuluhan. Napakaraming mga tinedyer na mahusay sa paggamit ng kompyuter. Pero sa iyong palagay, tama bang ubusin nila ang kanilang panahon sa harap ng kompyuter at naglalaro sa halip na nag-aaral? Bakit hindi mo na lamang pagyamanin ang mga hilig mo at gamitin upang maihanda ang iyong sarili sa isang kursong gusto mo sa kolehiyo? O di kaya naman ay tumulong ka sa paaralan upang magturo sa mga kapwa mo mag-aaral na hindi marunong gumamit ng kompyuter? Makikita mo na hindi mabibili ng pera ang makukuha mong kapalit mula dito. Napagyaman mo pa ang iyong hilig.
2. Ang Tungkulin Bilang Anak. Hindi ka na nga bata. Pero hindi nangangahulugan ito na maaari mo ng ihiwalay ang iyong sarili sa iyong pamilya. Nananatiling ang iyong pamilya ang may pinakamalaking
impluwensya sa iyong buhay. Mayroon ka ng sapat na edad upang makibahagi sa iyong pamilya at sa tahanan. Ang lahat ay nagsisimula sa maliit. Huwag mong pilitin ang iyong sariling gawin ang isang bagay na hindi mo pa naman talaga kaya. Hindi mo pa kayang magtrabaho upang kumita at makatulong sa kanila. Mas mahalaga sa kanila na mag-aral ka upang makatapos. Pero makatutulong ka pa rin sa pamamagitan ng pagiging maingat sa paggastos. Ang kaunting baon na iyong matitipid sa araw-araw ay magiging malaki kapag naipon sa buong linggo o maaaring buong buwan. Maaaring hindi mo kayang linisin ang buong bahay
ngunit maaari mong panatilihing malinis at maayos ang iyong sariling silid. Katanggap-tanggap naman na hindi pa maaring ipaubaya sa iyo ang pagpapasya sa loob ng tahanan. Ngunit maaari mong ibahagi ang iyong pananaw at saloobin, pakinggan ang saloobin ng iba upang kolektibong makabuo ng pasya.
Mahalaga rin na maunawaan mo ang halaga ng pagbuo ng isang magandang ugnayan sa iyong mga magulang. Ito ang yugto ng pagkakaroon ng madalas na hindi pagkakaunawaan sa pagitan mo at ng iyong magulang. Lagi mong tandaan na naging tinedyer din sila minsan. Pinagdaanan nila ang iyong mga pinagdaraanan. Ngayon iba na ang kanilang pananaw bilang mga magulang. Pinagyaman na sila ng kanilang mga karanasan. Sila ang may pinakamalawak na pang-unawa para sa iyo. Kung marami man silang sinasabi o hinihingi, ito ay dahil iniisip nila ang magiging kapakanan mo. Wala silang ibang hangad kundi ang gawin kang handa sa pagkakataon na ikaw ang magiging tagapagtaguyod ng pamilya at haharap sa hamon ng buhay sa mundo ng mga matatanda. Tungkulin mong sila ay mahalin, igalang at pagkatiwalaan.
Ngunit kung may mga pagkakataon na iba sa inaasahan ang nakikita sa magulang, mahalagang pag-isipan nang husto kung ano ang nararapat na gawin.
3. Ang Tungkulin Bilang Kapatid. Sa bahay para kayong ”aso’t pusa”. Ito ang laging sinasabi ng iyong mga magulang kapag lagi kayong nag-aaway ng iyong mga kapatid. Pero ang kapatid na lagi mong kaaway sa bahay, handa mong ipaglaban kapag inaapi ng ibang tao. Hindi naman siguro matatawag na normal ngunit mas malaking bahagdan ng mga magkakapatid sa tahanan ay dumaraan sa yugto ng madalas na pagtatalo at pag-aaway. Natural lamang na may mga mabubuong hindi magagandang damdamin sa pagitan
ninyong magkakapatid. Ang kailangan lamang ay huwag itong hayaang magtagal at maipon hanggang sa lumaki. Ang selos dahil sa pakiramdam na mas paborito ng iyong ina ang iyong kuya ay hindi dapat magtungo sa pagkainggit mo sa kanya. Maaaring maging galit ito kung iyong pababayaan. Mahirap kung magiging malayo ang loob ninyo sa isa’t isa. Pagsikapan mong i-enjoy ang panahon na kasama sila. Ang mabuting pakikitungo sa iyong mga kapatid ay makatutulong upang matuto kang makitungo nang maayos sa iyong kapwa.
4. Ang Tungkulin Bilang Mag-aaral. Ikaw ngayon ay nasa high school na. Nasa higit na malaking” mundo”. Mas marami ka ng mga gawaing nararapat gawin at marami kang natutuhan sa mga bagay na iyong ginagawa. Sa bawat gawain na iyong natatapos, karagdagang karanasan at aral na iyong maiipon.
Mas nadadagdagan ang kabuluhan ng iyong buhay. Gaano mo pinahahalagahan ang pag-aaral? Maaari mo itong malaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong.
a. Gaano kalaking panahon at pagsisikap ang inilalaan ko sa pag-aaral?
b. Paano ko gagamitin ang aking mga talento at kakayahan sa pag-aaral?
c. Paano ko magagamit ang lahat ng aking kakayanan?
d. Anong gawain sa paaralan ang kinawiwilihan kong salihan?
e. Paano ko susuportahan ang ”Student Government”?
f. Sa paanog paran ko kaya mabibigyan ng karangalan ang aking paaralan?
g. Ano ang aking inaasahan ngayon high school?
Ang iyong sagot sa mga tanong na ito ang magsasabi sa iyo kung gaano kalayo ang iyong mararating sa iyong pag-aaral. Kung gaano karami ang maaari mong makuha dahil dito. Mas malayo ang iyong mararating, mas mahusay. Mas maraming magandang bunga, mas mabuti. Ang high school ang pinakadinamikong yugto sa iyong buhay. Dito mo masusubok ang iyong mga kakayahan. Dito nakadepende kung ano ang mararating mo sa hinaharap. Tumingin ka sa malayong hinaharap pero gawin mo ang lahat ng
iyong makakaya ngayon. Gamiting gabay ang mga sumusunod:
a. Mag-aral nang mabuti. Ang pagbuo ng mga magandang gawi sa pagaaral ang makatutulong upang mas mahasa mo ang iyong kakayahan at mailabas mo ang iyong mga potensyal. Hindi lamang ito para sa
iyong sarili, kundi maging para sa paaralan.
b. Magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto. Nag-aaral ka upang matuto. Sabi nga nila hindi ka nasa paaralan para lamang sa baon araw-araw. Ang iyong masidhing pagnanais na matuto ang tutulong sa
iyong isip upang gumana nang maayos. Walang mahirap sa isang taong nagpupursigi at may dedikasyon.
c. Pataasin ang mga marka. Hindi natin maikakaila ang halaga ng pagkakaroon ng mataas na marka. Ito ay maaari mong magamit upang makapasok sa magandang paaralan kapag ikaw ay pumasok sa kolehiyo. Ngunit dapat mong tandaan na ang mataas na marka ay pangalawa lamang, ang tunay mong layunin sa pag-aaral ay upang matuto at makaalam.
d. Gamitin ang kakayahan sa komunikasyon nang buong husay. Mahalaga ito sa proseso ng iyong pagsisikap na matuto. Gamitin nang mahusay ang kakayahan sa pakikinig, sa pagbabasa, sa pagsusulat at
sa pagsasalita. Mahalagang kahiligan ang pagbabasa upang malinang ang kakayahang mag-isip, magtanong, magmasid at magnilay.
e. Pagyamanin ang kakayahan sa pag-iisip. Binigyan ka ng sariling pagiisip kung kaya hindi mo dapat hinahayaan na iba ang nag-iisip para sa iyo. Wala nang iba pang makapagpapalakas sa isip kundi ang palagi itong gamitin. Gamitin ito upang hanapin ang katotohanan, sa pakikinig at pagtimbang sa opinyon ng iba at sa pagiging kritial sa mga inihaing ideya.
f. Matutong lutasin ang sariling mga suliranin. Mas marami kang kakaharaping suliranin sa yugtong ito. Kadalasan ito ay suliranin sa iyong pakikipag-ugnayan. At sa mga pagkakataong ito, bumubuo ka ng mga pagpapasya. Siguraduhing pipiliin mo lamang ang kabutihan.
g. Makilahok sa mga gawain sa paaralan. Hindi lang sa harap ng libro umiikot ang mundo sa loob ng paaralan. Enjoy. Makihalubilo ka sa iba pang mga mag-aaral. Lumahok ka sa mga pangkatang gawain para
matutunan mo ang mamuno at sumunod. Ito ang isa sa mga kasanayang kakailanganin mo sa iyong buong buhay.
5. Ang Tungkulin sa Aking Pamayanan/Bilang Mamamayan. Ang isang kasapi ng pamayanan ay
malugod na tumutugon sa kanyang mga tungkulin para sa kapakanan nito. Bilang nagdadalaga/nagbibinata may tungkulin ka na:
a. Pangalagaan ang maayos at malinis na pamahalaan;
b. Makibahagi sa gawain ng pamayanan kasama ng iba pang miyembro nito;
c. Magkaroon ng pagkukusang maglingkod sa pamayanan;
d. Maging mulat sa pangangailangan at suliranin ng ibang tao sa pamayanan upang maiparating sa mga pinuno ng pamayanan;
e. Maging tapat sa kinabibilangang pamayanan;
f. Makibahagi sa mga pagpupulong sa pamayanan kung kinakailangan;
g. Sumasali sa mga samahang pangkabataan, kung saan ilalaan ang sarili bilang maging mabuting tagasunod kung hindi man maging mabuting pinuno at;
h. Makibahagi sa kampanya upang tulungan ang pamahalaan, paaralan at samahan sa kanilang mga proyekto.
Sa mga sumusunod na paraan ng pakikilahok, nararamdaman mong hindi ka malayo sa mga tao sa iyong pamayanan. Kung minsan, may mga pagkakataon na hindi mo kilala ang iyong mga kapitbahay; na hindi mo kilala ang namumuno sa inyong pamayanan. Sa pamamagitan ng pagtugon sa mga tungkuling ito, mararamdaman mong ikaw ay kabahagi. At makatutulong ito upang iyong mas mapaangat ang iyong halaga bilang tao.
6. Ang Tungkulin Bilang Mananampalataya. Paano mo ba ginagamit ang lahat ng iyong oras sa buong maghapon? Sa anong mga gawain mas nauubos ang iyong oras? May kabuluhan ba ang mga ito? Kasama ba ang pagsasabuhay ng iyong pananampalataya sa iyong gawain sa araw-araw? Alam mo naman na hindi naman hinihingi ang lahat ng iyong oras para dito. Ang simpleng pag-aalay ng panalangin araw-araw ay napakalaking bagay na para masabing isa kang tunay na mananampalataya. ”Prayer can move mountains”. Ngunit dapat mong isaisip na hindi ang ating panalangin ang nakapagpapagalaw kundi ang Diyos. Ang panalangin ay paraan ng papuri sa Diyos. Ito ay paraan ng pakikipag-usap sa Kanya mula sa puso. Kadalasan, ang intensyon ng tao sa pananalangin ay ang humingi ng mga bagay na ating nais o pangyayaring gusto nating maganap. Minsan naman ay upang ihingi ng tawad ang ating mga pagkakamali dahil gusto nating muling mapalapit sa Kanya. Ang panalangin ay para sa papuri, pasasalamat at pinakamahalaga ay ang pag-aalay sa Kanya ng lahat ng ating mga gawain. Malalaman mo na lahat ng bagay na nasimulan sa panalangin ay magaganap na puno ng tiwala at kahusayan. Ito ay dahil nasa ilalim ng paggabay ng Diyos ang gawaing inialay sa Kanya.
7. Ang Tungkulin Bilang Konsyumer ng Midya. Maraming uso at maraming makabago sa modernong panahon ngayon. Nakokondisyon ang iyong isip na ang mga ito ay kailangan dahil sa husay ng presentasyon nito ng midya. Labis nang nakaaalam (Informed) ang mga tinedyer. Wala na talaga sigurong maitatago pa. Ito ay dahil kahit pa ang mga liblib na pook ngayon ay naaabot na ng teknolohiya. Sa dami ng mga inihahain sa iyo, minsan hindi mo na alam kung ano ang iyong tatanggapin at paniniwalaan. Narito ang panganib. Naranasan mo na bang umupo sa harap ng computer upang maglaro na minsan ay tumatagal ng 3 – 5 oras?
Ang makalimutang gumawa ng takdang-aralin dahil sa panonood ng telebisyon? Ang mapakapanood ng mga marahas na mga palabas at mga tukso na mahirap na iwasan? Lalo na kung hindi mo gagamitin ang mapanuring pag-iisip (critical thinking). Ito ay nagtuturo sa iyo kung paano mag-isip at hindi kung ano ang iisipin. Ito ay patuloy na proseso na madalas na nagsisimula sa isang tanong. Ito ay ang kakayahan natin na pag-aralan ang mga bagay at ang magiging bunga bago magpasya o pumili. Hindi lahat na nakikita sa midya ay totoo. Kaya mo bang gamitin ito nang may pananagutan?
8. Ang Tungkulin sa Kalikasan/tagapangalaga ng kalikasan. Naranasan na natin ang baha na pumatay
ng maraming tao at sumira ng maraming ari-arian. Mulat ka na hindi sana mangyayari ang lahat ng ito kung napangalagaan lang natin ang kalikasan. Malakas na ang panaghoy ng Inang Kalikasan. Ang kailangan
natin ay tumugon bago pa maging huli ang lahat. May magagawa ang bawat isa sa atin. Maaari mong gawin ang mga sumusunod:
a. Mahalagang ibahagi sa mga kasama sa tahanan ang mga kaalaman na natutunan sa paaralan. Hikayatin ang bawat kasapi ng pamilya na makibahagi sa pagtulong para iligtas ang kalikasan sa tuluyan nitong pagkasira. Halimbawa, kumbinsihin sila na magtipid sa kuryente. Patayin ang kompyuter, telebisyon at ilaw kung hindi naman ginagamit. Ipakumpuni ang mga sirang gripo upang hindi maaksaya ang tubig na
tumutulo mula rito. Gumamit lamang ng electric fan o aircon kung talagang kinakailangan.
b. Mahalagang ilapat sa buhay ang anumang natutuhan sa paaralan lalo na sa siyensya. Mas palawakin pa ang kaalaman ukol sa pagbabago ng klima (climate change), sa epekto nito at mga solusyon sa lumalalang suliranin na bunga nito. Mamuno sa paghikayat sa buong klase upang magkaroon ng programa para sa kalikasan. Makatutulong din kung lalahok sa mga organisasyong may mga programang
pangkalikasan.
c. Tumulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin, sa lupa at sa tubig. Makibahagi sa proyektong pampamayanan o kaya naman ay bumuo ng samahan ng mga kabataan na tutulong upang mabawasan ang suliranin sa maruming hangin at paligid. Kung ang bawat isang kabataan sa isang pamayanan ay magkakaroon ng panahon upang kumilos para sa pangangalaga ng kalikasan, nakasisiguro ang positibong resulta nito. Manguna sa kampanya para sa isang proyekto na kasali hindi lamang mga kabataan kundi maging lahat ng kasapi ng bawat tahanan.
d. Kausapin ang mga kaibigan upang makiisa sa gawaing pangkalikasan. Mas makabubuti kung sa ganitong paraan uubusin ang panahon kasama ang mga kaibigan. Makatutulong na ito upang lalong
mapatibay ang pagsasamahan, magdudulot pa ito ng kabutihan para sa kalikasan. Hikayatin din ang lahat ng mga kaibigan na simulan din ang pagsasagawa ng mga proyektong ito sa kanilang sariling tahanan.
e. Karamihan ng mga mahahalagang kaalaman ukol sa kalikasan ay napupulot ng mga mag-aaral hindi sa paaralan kundi sa midya. Ang media ang isa sa pinakamapakapangyarihang maaaring maging
katuwang ng paaralan sa pagtuturo sa mga kabataan. Ngunit hindi natin maikakaila na mayroong ilan na ang interes ay mas nakakiling sa konsyunmerismo at nakakaligtaan ang pananagutan para sa mga
kabataang konsyumer. Bilang isang tinedyer kailangang maging matalino sa pagtanggap ng mga impormasyong dulot ng media. Kinakailangan ng kakayahan upang magsala ng mga impormasyong
tatanggapin at paghihiwalay nito sa mga impormasyong hindi nararapat na tanggapin at tangkilikin. Malakas na ang panghoy ng kalikasan, lumalala na ang kanyang sakit at tao lamang na siyang pinagkatiwalaan ng Diyos ang makatutulong upang magamot ang karamdaman na ito. Bilang kabataan mayroon kang espesyal na bahagingmaaaaring magampanan para sa suliraning ito. Kailangan ng kumilos, ngayon na. . . bago pa maging huli ang lahat. Magsimula sa iyong sarili at nakasisigurong susunod
dito ang buong mundo.
”Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay, para sa sarili lamang. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa, tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling Niya. ”
Mula sa isang awit, ipinauunawa sa atin ng mga linyang ito ang kahalagahan ng pagtugon sa ating mga tungkulin bilang mga nilalang ng Diyos. Ang pagiging mapanagutan ay nagpapakita ng tunay na pagkatao ng tao. ItoI ay dahil likas ito sa tao. Ang taong tumatalikod dito ay maaaring maihalintulad sa
isang taong naglalakad na walang ulo (Alejo, P.B. 2004). Kaya habang maaga simulan mo ng tumugon sa iyong mga pananagutan - lalo na sa pagtugon sa pinakamahalagang tungkulin ng tao: ang pagkamit ng kaganapang pansarili, hanapin ang kabanalan, upang makaalam, magmahal at maglingkod sa Diyos nang
malaya. Ang hamong ito ay hindi madali. Ngunit dapat kang kumilos upang tugunan ito. Mahalagang tuntungan ito patungo sa susunod na yugto ng iyong buhay. At ang tagumpay mo sa mga susunod pang yugto ang pundasyon ng paghubog ng iyong pagkatao.
Sa hamon na ito sa yugtong ito, tutugon ka ba?